Martes, Hulyo 26, 2011

Lindol!


NIYANIG ng magnitude 6.2 na lindol ang ilang bahagi ng Luzon kaninang ala-una ng madaling araw, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, naitala ang epicenter ng lindol sa layong 35 kilometro, hilagang-kanluran ng Iba, Zambales na tectonic ang origin.
Naramdaman ang intensity 4 sa Clark Air Base sa Pampanga; Obando, Bulacan; Quezon City; Manila; Alabang, Muntinlupa; at Bacoor, Cavite.
Intensity 3 naman sa Makati; Pasig; Mandaluyong; Tagaytay at Cabanatuan City sa Nueva Ecija habang intensity 2 naman sa Baguio City.
Sinundan pa ito ng mahinang aftershock na rumehistro sa magnitude 3.9.

1 komento:

  1. pa follow ren po nung saken,,

    http://sapict2011senaleigh.blogspot.com/

    :D :D :D thx.

    TumugonBurahin