Naging matagumpay umano ang isinagawang cervical spine surgey sa dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa St.Luke’s Medical Center sa Global City, Taguig.
Bagama’t wala pang opisyal na pahayag mula sa ospital, pero sinasabing dinala na sa Surgical Intensive Care Unit ang pasyente para sa post-surgery observation.
Inaasahan na mananatili muna ito sa SCIU ng isang araw bago mailipat sa isang pangkaraniwang kuwarto.
Alas 7:00 kaninang umaga sinimulan ang operasyon sa former president dahil sa karamdaman nito sa bahagi ng kaniyang gulugod.
Una ng inihayag ni Dr. Mario Ver, ang main orthopedic surgeon na sasailalim sa itanium implants at bone substitute ang pasyente para maayos ang naapektuhan nitong gulugod.
Samantala, tumanggi ng patulan pa ng kampo ni Arroyo ang paglutang ngayong araw ng sinasabing mga sangkot sa nangyaring “ballot switching” sa Kamara para dayain ang resulta ng 2004 presidential elections.
Sinabi ni Atty. Raul Lambino, ang spokesman ng former president, na mahalaga sa ngayon ay panalangin ng lahat para sa agarang paggaling ng dating pangulo.
Ayon pa kay Lambino, kumpleto umano ang buong pamilyang Arroyo sa loob ng ospital at nagbabantay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento