Dahil siguro kay Bagyong Kabayan., Ano na nga ba ang balita kay Bagyong Kabayan? Heto bibigyan ko kayo ng impormasyon...
Inaasahang lalo pang lalakas sa susunod na 48 oras ang bagyong Kabayan habang nananatili sa karagatang sakop ng Pilipinas.
Ito ang sinabi ngayon ng Pagasa matapos na pumalo na sa 85 kilometro kada oras ang dala nitong hangin at may pagbugsong 100 kilometro bawat oras.
Huli itong namataan sa 840 kilometro sa silangan ng Catarman, Northern Samar.
Kumikilos pa rin ito sa pangkalahatang direksyong pakanluran, hilagang kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Nagkaka-isa naman ang Pagasa at mga international forecasting agencies sa pagsasabing hindi tatama ang bagyo sa alinmang bahagi ng Pilipinas, dahil pataas ito at patungo sa bahagi ng Japan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento