Bagama�t aminadong nanghihinayang matapos matalo laban sa Kuwait Al Azraq, sinabi ni Azkals coach Hans Michael Weiss na nagpakita ng buong galing ang Philippine football team.
Kahit aniya may mga maling pasa at kakulangan sa depensa, hindi naman matatawaran ang pakikipagsabayan ng mas maliliit na manlalaro ng Pilipinas laban sa matagal ng laman ng football field na koponan ng Kuwait.
Magugunitang nabigo si Neil Etheridge na maagapan ang ikalawang goal ng Al Azraq, matapos makalusot ang ikalawang goal sa kaniyang pagharang mula sa penalty line.
Mula sa score na 2-1 na nalikha sa 84th minute ay hindi na nagawa pang makahabol ng Azkals upang matapatan sana ang aggregate point na naitala sa first leg ng laro sa away-game sa Kuwait noong nakaraang Linggo.
Dahil dito, laglag na ang Philippine team sa qualifier ng 2010 FIFA World Cup na gaganapin sa Brazil.
Gayunman, tiwala si Weiss na nakagawa na ng magandang panimula ang kanilang grupo upang buhayin sa puso ng mga Pinoy ang pagmamahal sa larong football.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento