Linggo, Hulyo 31, 2011

PGT ROcks !

Haller Guise! Watch na ng Pilipinas Got Talent! Hahaha so exciting ang Mga Performance!
Curious ba kayo guys??? Manuod na lang kayo :))!

Havey!

Havey na Gud Evening sa inyoo guys!!! Sa Luzon, Visayas, Mindanao!
ahahaha! Kamusta na???
musta ang weekends???
God bless you all guys!

Sabado, Hulyo 30, 2011

Pilipinas Got Talent!

Guys!, nuod na ng PGT! Maganda at magagaling ang mga performance!
Watch out! :D

Biyernes, Hulyo 29, 2011

Azkals, laglag na sa World Cup qualifiers

team AzkalsBagama�t aminadong nanghihinayang matapos matalo laban sa Kuwait Al Azraq, sinabi ni Azkals coach Hans Michael Weiss na nagpakita ng buong galing ang Philippine football team.
Kahit aniya may mga maling pasa at kakulangan sa depensa, hindi naman matatawaran ang pakikipagsabayan ng mas maliliit na manlalaro ng Pilipinas laban sa matagal ng laman ng football field na koponan ng Kuwait.
Magugunitang nabigo si Neil Etheridge na maagapan ang ikalawang goal ng Al Azraq, matapos makalusot ang ikalawang goal sa kaniyang pagharang mula sa penalty line.
Mula sa score na 2-1 na nalikha sa 84th minute ay hindi na nagawa pang makahabol ng Azkals upang matapatan sana ang aggregate point na naitala sa first leg ng laro sa away-game sa Kuwait noong nakaraang Linggo.
Dahil dito, laglag na ang Philippine team sa qualifier ng 2010 FIFA World Cup na gaganapin sa Brazil.
Gayunman, tiwala si Weiss na nakagawa na ng magandang panimula ang kanilang grupo upang buhayin sa puso ng mga Pinoy ang pagmamahal sa larong football.

Cervical spine surgery kay GMA, tagumpay

ex-Pres. ArroyoNaging matagumpay umano ang isinagawang cervical spine surgey sa dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa St.Luke’s Medical Center sa Global City, Taguig.
Bagama’t wala pang opisyal na pahayag mula sa ospital, pero sinasabing dinala na sa Surgical Intensive Care Unit ang pasyente para sa post-surgery observation.
Inaasahan na mananatili muna ito sa SCIU ng isang araw bago mailipat sa isang pangkaraniwang kuwarto.
Alas 7:00 kaninang umaga sinimulan ang operasyon sa former president dahil sa karamdaman nito sa bahagi ng kaniyang gulugod.
Una ng inihayag ni Dr. Mario Ver, ang main orthopedic surgeon na sasailalim sa itanium implants at bone substitute ang pasyente para maayos ang naapektuhan nitong gulugod.
Samantala, tumanggi ng patulan pa ng kampo ni Arroyo ang paglutang ngayong araw ng sinasabing mga sangkot sa nangyaring “ballot switching” sa Kamara para dayain ang resulta ng 2004 presidential elections.
Sinabi ni Atty. Raul Lambino, ang spokesman ng former president, na mahalaga sa ngayon ay panalangin ng lahat para sa agarang paggaling ng dating pangulo.
Ayon pa kay Lambino, kumpleto umano ang buong pamilyang Arroyo sa loob ng ospital at nagbabantay.

It's Raining!!!

W3w! Ang lakas ng ulan...
Dahil siguro kay Bagyong Kabayan., Ano na nga ba ang balita kay Bagyong Kabayan? Heto bibigyan ko kayo ng impormasyon...

Inaasahang lalo pang lalakas sa susunod na 48 oras ang bagyong Kabayan habang nananatili sa karagatang sakop ng Pilipinas.
Ito ang sinabi ngayon ng Pagasa matapos na pumalo na sa 85 kilometro kada oras ang dala nitong hangin at may pagbugsong 100 kilometro bawat oras.
Huli itong namataan sa 840 kilometro sa silangan ng Catarman, Northern Samar.
Kumikilos pa rin ito sa pangkalahatang direksyong pakanluran, hilagang kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Nagkaka-isa naman ang Pagasa at mga international forecasting agencies sa pagsasabing hindi tatama ang bagyo sa alinmang bahagi ng Pilipinas, dahil pataas ito at patungo sa bahagi ng Japan.

Martes, Hulyo 26, 2011

Lindol!


NIYANIG ng magnitude 6.2 na lindol ang ilang bahagi ng Luzon kaninang ala-una ng madaling araw, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, naitala ang epicenter ng lindol sa layong 35 kilometro, hilagang-kanluran ng Iba, Zambales na tectonic ang origin.
Naramdaman ang intensity 4 sa Clark Air Base sa Pampanga; Obando, Bulacan; Quezon City; Manila; Alabang, Muntinlupa; at Bacoor, Cavite.
Intensity 3 naman sa Makati; Pasig; Mandaluyong; Tagaytay at Cabanatuan City sa Nueva Ecija habang intensity 2 naman sa Baguio City.
Sinundan pa ito ng mahinang aftershock na rumehistro sa magnitude 3.9.